Thursday, January 24, 2013

Upcoming Spice for Redishapples

On this quarter Im adding tabs for my blog. I will be calling it Sunday's Best recipe. I will be sharing the fun of the kitchen activities, new recipes i discover anything about foods,cooking stuffs and restaurants. Why "Sunday's Best", kasi every Sunday is my off, and every sunday lng ako nkakapunta ng palengke para mamimili ng stocks for the week. And un lng dn ang time na nakakapag-luto ako, and we get sometime off to go out.

Little by little, natututo na akong magluto from main dishes to desserts. Like adobo na alam namin nating paborito ng lahat. Pero tuwing nagluluto ako ng adobo iba-iba ang itsura nya, minsan tuyo ung tipong nanunuot na ung toyo sa manok, minsan naman ay mamantika dahil sa butter na nilalagay ko pra mas malasa. Ang hinde ko pa nagagawa sa adobo ay ung my sabaw. MAs madali ung mga ginisang gulay lng gaya ng pechay, repolyo, kangkong na tipong igigisa lng sa bawang at sibuyas, lagyan ng tubig at idagdag ang "Nam-nam" tapos my sabaw na, partner nlng ng pritong isda, presto ang ulam.

My palpak din naman akong luto buti naremedyohan naman. Isang araw galing kme sa palengke at bumili ng bangus mga isang kilo din un, sabi sa nagtitinda "kuya pa hiwa pang sinigang". Pag dating sa bahay, hinugasan ung isda pinakuluan at idinagdag na ung gulay at sinigang mix. Nung tikman ni hubby, " bakit ang pait"? tinanggal mo ba ung apdo sa ulo. Ako: hah? ano un, dba nalinis na ung isda sabay tingin ung sabaw nangingitim na. Hinango ang isda at tinangal ung apdo sa ulo at tyan, tinanggal ko na din ang sabaw kasi mapait na. Bumili ng bagong sinigang mix at buti nawala nmn ang pait, un lng na over cooked ang isda.

Marami pang mga nakakatuwang experience sa pagluluto na eenjoy ko. At sa tuwing kumakain kme sa labas madalas kong pintahan ung ginamit na ingredients sa mga ito. Sa canteen madaming mga masasarap ng lutuin na gusto ko din i-try gaya nlng ng lunch ko kanina ung "fish MAckerel Ala-Pobre". Tipong pritong isda with fried garlic on top and eksena. Ayan ang abangan nyo sa unang post ko sa SunDay's best ko, ittry ko ung recipe na un....

No comments:

Post a Comment